TSISMIS LANG: WALANG DISMISSAL ORDER ANIYA ALBAYALDE

Mariing itinanggi ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang mga balitang nagpapalabas na siya'y aalis o tatanggalin sa puwesto dahil sa issue patungkol sa "ninja cops." Sa isang pahayag, ani Albayalde: "Wala. These are all chismis… Walang dismissal order."

PNP Chief Gen. Oscar Albayalde

Bagamat nagpahayag siyang 'expendable' ang mga lingkod-bayan, aniya, dapat ang Pangulo ang magpasya. "Let the president decide. Titignan niya report ng Senate," dagdag pa niya, at ibinahagi na naipabatid na niya ang estado ng mga kasong "ninja cops" pati na rin ang kampanya kontra ilegal na droga.

Handa rin siyang humarap sa Senate inquiry bilang resource person bukas: "We are ready, anumang matanong we are prepared."

Advertisement

Sponsored Content

Samantala, ayon sa Malacañang, wala pa silang natatanggap na bagong tagubilin patungkol sa posisyon ni Albayalde: "Walang naririnig na bago… Ganun pa rin," pahayag ng Presidential Spokesperson Salvador Panelo.